Gusto mo bang magtravel ngayong Summer? Maraming pwedeng puntahan dito sa Pilipinas. Maraming Magagandang tanawin at tiyak na magugustuhan niyo! Simulan natin sa Norte! gaya na lang ng ILOCOS
Ang Ilocos Norte (Filipino:Hilagang Ilocos, Ilocano: Amianan nga Ilocos) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Laoag at nakaharap ang lalawigan ng Ilocos Norte sa Dagat Luzón sa kanluran at sa Kipot ng Luzon sa hilaga. Matatagpuan ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon at ang hangganan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng Cagayan at Apayao, at sa timog ay ang mga lalawigan ng Abra at Ilocos Sur.
Kilala ang lalawigan bilang pook kapanganakan ng dating PangulongFerdinand E. Marcos. Kilala rin ang lalawigan bilang isang lalawigan panturismo sa hilaga, kung saan matatagpuan ang Fort Ilocandia, isang magarang hotel at resort na tanyag sa mga banyaga.
Relihiyon
Bagaman karamihian ng mga mamamayan ng Pilipinas ay tagasunod ngRomano Katoliko, ang karamihan sa lalawigan ay naniniwala sa Simbahang Aglipay, na itinatag ng taal ng Batac na si Gregorio Aglipay.
Matatagpuan ang ilang mga tanyag na simbahang Katoliko sa lalawigan ng Ilocos Norte:
- Simbahan ng Paoay Church (St. Augustine Church) - Napabiliang saUNESCO World Heritage Site noong 1993.
- St. William's Cathedral sa Laoag - Tanyag dahil sa Lumulubog na Tore ng Kampana
- St. Monica Parish Church sa Sarrat - Itinalang pinakamalaking simbahan sa rehiyon ng Ilokos.
- Simbahang ng Bacarra - nasira nang lumindol noong 17 Agosto 1983 ,inayos at binuksang muli noong 1984.
Sa Ilocos Norte matatagpuan ang Dambana ng Aglipay, kung saan inilibing ang kataastaasang pinuno ng simbahan.
PAGKAIN
Maraming masasarap na pagkain sa ilocos norte! Halimbawa na lang ay ang mga ito:

Kultura
Ang pangkat na itob ay makikita sa mga orihinal na lalawigang iloko tulad ng ilocos sur, ilocos norte at la union. matatagpuan din sila sa mga lalawigang kanilang pinandarayuhan tulad ng pangasinan, nueva ecija, tarlac, zambales, nueva viscaya, abra, cagayan at isabela at sa mga lalawigan ng visayas at mindanao. maraming iloca no ang nandarayuhan. ito ay sanhi ng heograpiya ng rehiyon na bulubundukin, mahaba ang tag-araw at maikli ang tag-ulan. dahil sa heograpiya nito, likas na mahirap humanap
ng ikabubuhay sa rehiyon. gayunpaman, ang mga ilocano ay likas na masipag, malikhain at matipid. bihasa sila sa paggawa ng sisidlan ng tubig o imbakan ng bagoong o (burnay) na yari sa semento, buhangin at mga lalagyan ng bulaklak na yari sa luwad (paso). kilala rin ang kumot na yari sa ilocos. ito ay tinatawag na "kumot-ilokano" (inabel). mahusay silang magtanim ng tabako (virginia) na siya nilang pangunahing produkto. makasining din ang mga ilocano. mula sa kanila ang epikong "biag ni lam-ang," gayundin ang "dallot" na napakikinggan sa panahon ng pagdadalamhati. mula sa pangkat na ito galing ang dalawang naging pangulo ng pilipinas na sina elpidio r. quirino at ferdinand . marcos.
Heritage Sights!
Ang pinakamatandang simbahan sa Ilocos, Philippines ay ang San Augustine Church o kilala sa tawag na Paoay Church, itinatag noong 1586 at natapos noong 1606. 20 taon ito ginawa
Ang makasaysayang Lungsod Vigan ay matatagpuan sa hilaga kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur, Rehiyon ng Ilocos, Luzon, Pilipinas. Isa ito sa dalawang lungsod ng lalawigan. Kilala ang lungsod dahil sa makasaysayang mga bahay at gusaling pinagplanuhan, idinisenyo at itinayo na may impluwensiyang Asyano, Europeo at Latino Amerikano na matagumpay na naalagaan ng mga mamamayan nito mula pa noong ika-16 na siglo. Ang Intramuros (Walled City) sa Maynila ang padron ng disenyo nito. Ang Vigan lamang ang pinaka-iingatang halimbawa ng Spanish colonial town at European trading town sa Pilipinas at maging sa buong Silangang Asya at Timog Silangang Asya kung kaya’t noong Disyembre 2, 1999 ay napili itong mapasama saUNESCO World Heritage List at naging component city noong Enero 21, 2001.
Ilan lamang ito sa mga sikat na destinasyon sa ilocos! Ibinahagi ko sa inyo to dahil naranasan ko na dito! Lagi kaming nagbabakasyon dito kasama ng aking pamilya dahil taga dito ang aking iba pang kapamilya! SUBUKAN niyo! Tara!?
Betting in your city - Sporting 100
ReplyDeleteBetting 토토 사이트 모음 in your communitykhabar city https://febcasino.com/review/merit-casino/ - Sporting septcasino 100 https://septcasino.com/review/merit-casino/