Tuesday, May 20, 2014

BAGUIO



Tara at mamasyal! Maglibot sa bawat sulok ng Mundo! Puntahan naman natin ang Baguio!

  
 Sikat ang BAGUIO dahil sa malamig nitong klima! maraming nagpupuntang Turista dito lalo na pag summer! Marami ring magagandang psayalan dito!


Siyudad ti Baguio sa wikang Ilokano ang Lungsod Baguio. Ito ay itinatag ng mga Amerikano noong 1900, at inilagak sa Kafagway na dating tirahan ng mga Tribung Ibaloy. Ginawang resort ng mga sundalong Amerikano ang Baguio noong panahong sakop ng Estados Unidos ang Amerika, matapos atasan ni Luke E. Wright si Daniel H. Burnham na gumawa ng plano ng lungsod. Ang pangalan ng lungsod na ito ay hinango sa salitang bag-iw na ang ibig sabihin ay lumot, dahil kalimitang maraming tumutubo ditong pino, dapo, at malulumot na halaman.
Nasa hilaga ng Lungsod Baguio ang La Trinidad, ang Itogon sa silangan, at ang Tuba sa timog at kanlurang bahagi.
Nakilala ang Baguio sa mala-ahas nitong lansangang tila pumupulupot sa katawan ng kabundukan; sa kagila-gilalas na tanawin mula sa matatarik na burol o bundok; sa mahalumigmig na hangin; sa makukulay na bulaklak; at sa mga pagkaing sariwa't nalalahukan ng mga sariwang gulay at pampalasa. Nagtatagpo sa Baguio ang sari-saring kultura, tao, moda, at pananaw na pawang lalong nagpasigla sa turismo.


Ang Burnham Park ay isa sa mga tanyag at paboritong pasyalan na matatagpuan sa Lungsod Baguio. Sa pasyalang ito maaaring umupa ng bangka, kumain sa mga mesang bato, umupa ng bisikleta, mag-jogging, maglaro ng futbol, at manood ng libreng konsiyerto.









Ang Mines View Park ay isa kilalang pasyalan na matatagpuan sa Lungsod Baguio. Dito maaring matanaw ang Benguet's gold and copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan. Mayron ding mauupahang largabista kung nais makita ng detalye ang mga tanawin dito.



Ang Camp John Hay ay isang 690 ektaryang kampo na itinayo ng mga Amerikano upang maging pook libangan ng mga sundalo ng Department of Defense of America. Ipinangalan ito sa kalihin pandigma ni Pang. Theodore Roosevelt, at naging Club John Hay nang ibigay ng mga Amerikano ang pasilidad na ito sa pamahalaan ng pilipinas




Maraming magagandang pasyalan dito! Masarap din mamasyal lalo nat malamig. Subukan niyo! Tiyak na masisiyahan kayo! Dito rin ako nagbabakasyon kapag tag init!

1 comment:

  1. Playtech is launching new games - JSHub
    The world-famous live casino platform, which 전라북도 출장마사지 is a part of 정읍 출장마사지 the 포항 출장안마 Google Playtech Group, is expected 오산 출장안마 to have a large impact on the 양산 출장안마 online

    ReplyDelete