Tara at mamasyal! Maglibot sa bawat sulok ng Mundo! Puntahan naman natin ang Baguio!
Siyudad ti Baguio sa wikang Ilokano ang Lungsod Baguio. Ito ay itinatag ng mga Amerikano noong 1900, at inilagak sa Kafagway na dating tirahan ng mga Tribung Ibaloy. Ginawang resort ng mga sundalong Amerikano ang Baguio noong panahong sakop ng Estados Unidos ang Amerika, matapos atasan ni Luke E. Wright si Daniel H. Burnham na gumawa ng plano ng lungsod. Ang pangalan ng lungsod na ito ay hinango sa salitang bag-iw na ang ibig sabihin ay lumot, dahil kalimitang maraming tumutubo ditong pino, dapo, at malulumot na halaman.
Nasa hilaga ng Lungsod Baguio ang La Trinidad, ang Itogon sa silangan, at ang Tuba sa timog at kanlurang bahagi.
Nakilala ang Baguio sa mala-ahas nitong lansangang tila pumupulupot sa katawan ng kabundukan; sa kagila-gilalas na tanawin mula sa matatarik na burol o bundok; sa mahalumigmig na hangin; sa makukulay na bulaklak; at sa mga pagkaing sariwa't nalalahukan ng mga sariwang gulay at pampalasa. Nagtatagpo sa Baguio ang sari-saring kultura, tao, moda, at pananaw na pawang lalong nagpasigla sa turismo.
Maraming magagandang pasyalan dito! Masarap din mamasyal lalo nat malamig. Subukan niyo! Tiyak na masisiyahan kayo! Dito rin ako nagbabakasyon kapag tag init!